Bakit kaya ang kalsada
Nag-iiwan ng alaala?
Napadaan kanina
D'yan sa may kabilang banda
Namutaktak sa isipan
Samut-saring mukha.
Aking napagtanto
Mga nakalipas dito
Iba't-ibang tao nakasama
Dumadaan sa may kanto
O bakit ang alaala
Buhay pa rin?
Bigla kang malulungkot
Kapag nanunuot
Sariwa at hinog alaalang
Nilimot.
Pero ang tulang ito
Ay para talaga sa espesyal
Na taong nagbabasa nito.
Nais kong bumuo
Kasama n'ya sa kalsada
Ng magagandang alaala
Lipos ng tuwa at pag-asa
Kaya, tara na!
No comments:
Post a Comment