Walang pamagat
Oo, walang pamagat
Bakit patuloy ang pagkutitap
Nitong paksang ubod na ng busilak?
Busilak ng bulaklak?
Oo, sandamakmak
Eh ang bulak
Saan nga ba namumusilak?
Dito, dito sa puso
Dahil sa lambot nito'y
Para itong bulak
Kantihin mo, ito'y nawawasak.
Kaya pag ingatan mo
Hiling ko
Kahit ito'y nasa tulang
Walang pamagat.