Sana mabasa mo ito
Para kahit papaano
Malaman ko na naaalala
Mo pa ako.
Hinahanap kasi kita
Kahit saan ako magpunta
Sabi ko, "Baka sakaling andito s'ya."
Sa mga tao sa paligid
Baka sakaling masilayan ka.
Minsan ayoko ng umasa
Na makikita pa kita
Ayoko ng magsisi
Sa pinalampas na mga sandali
Noong andito ka pa.
Pero paggising ko
Hinahanap ka uli
Baka sakaling magparamdam
Pagpikit ng mata
Nakikiusap sa buwan
Ng isang himala.
Baka sakali.
No comments:
Post a Comment