Ano ba talaga
Ang nararamdaman
Mo para sa 'kin?
Katulad din ba ng nararamdaman ko?
Ikaw ang nagbibigay ng kulay
Sa buhay ko.
Buo na ang araw ko
Masilayan lang kita
Kahit malungkot
Dahil bigla ka lang mawawala
Kapag nalingat nakabantay
Na paningin
Sa isang iglap
Ang mundo ko'y nawawala.
Pero umaasa
Kinabukasan
Makikita pa kita
Kaya tuloy ang agos
Umaasang balang araw
Mga puso nati'y
Abot-kamay
Walang palya.
Ngunit ikaw, ito din ba
Ang iyong nadarama?
No comments:
Post a Comment